Lunes, Disyembre 16, 2013

PORK BARREL SCAM : ANG KATOTOHANAN

 PORK BARREL SCAM : ANG KATOTOHANAN






       Walang makakapagsabi na balewala ang isyu tungkol sa Pork Barrel Scam.Ito ay isang Kontrobersya na tinutukan ng buong bayan.Ano kaya ang epekto nito sa ating lahat?Papaano ito pinayagan na mangyari ng gobyerno?Ilan lang sa mga ito ay tanong ng ating mga kababayan.Ano kaya ang katotohanan sa likod ng PORK BARREL SCAM.

       Ayon kay Benhur Luy ang utak ng pork barrel scam ay si Janet Lim Napoles at ang perang nakuha niya ay P10B at kung kukwentahin natin, ito ay katumabas sa 61,560 na bahay ng Gawad Kalinga ito ay aako sa gastos na P100,000.00 bawat bahay.Ang ibig sabihin nito makikinabang ang 61,560 na pamilya mula sa mahihirap na kommunidad.At ito rin ay katumbas sa 25,120 na mga bagong   silid-aralan kung ipagpalagay na ang laki nang isang silid ay 49 sqm. sa P5,000.00 per sqm.ang gastos sa konstruksiyon ay makikinabang sa paglipas ng 753,600 na nga bata sa paaralan na iyon.Ito rin ay katumbas ng 1 taong suweldo nang mahigit sa 23,310 na mga bagong pampublikong guro ng paaralan sa isang panimulang suweldo na P22,000.00 bawat buwan.


      Kung iisipin mo ,kung ang pera na nakalaan ay para sa  mga proyekto na dapat ay makikinabang ng bansa ay nawala. Ito ay magiging isang malaking kawalan sa ating lahat.Ang Pilipinas ang kanilang sagot:pagbabawas ng mga pagkakataon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng parusa at agarang imbestigasyon tungkol sa isyung ito.Dapat maparusahan ang mga opisyal na ito.Managot ang dapat managot.Para matapos ang problemang ito.At iyon ang Katotohanan sa likod ng pork barrel scam.